Tatlong Araw

Maligayang pagbabalik.

Gaya ng dati, ganito kita sasalubungin.
Kasama ng yakap na kaytagal kong hiniling.
Tatanggapin kita nang walang pagdadalawang isip,
Kahit napakadami sanang “bakit?”

Sana. Hindi ka na umalis

Gaya ng dati, ganito pa rin.
Pagmamasdan kitang humakbang papalayo sa akin.
Hahayaan kitang maglayag at hanapin ang iyong sarili.
Gaya ng dati, tanging pag-abang lang ang gagawin,
Kung maglalakad ka pabalik sa akin.

Bilang lang ang araw na sumikat at lumubog ng iyong pananatili.
Habang pinagmamasdan ko ang mga buhanging tinatangay ng alon, inaalala ko ang kahapon.


Bago ka tuluyang umalis, sumubok tayo, gaya ng dati.

Magbalik ka ma’t makarating,
Daang ulit man nating subukin,
Isa ka paring bahagi na hindi para sa akin.

,

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started