Dagat – iniibig ko

Bihag mo ako at ng kapayapaan na hatid ng alon.
Simula noong una mo itong ipakilala sa akin,
ay nais ko ng matunghayan ang pagsayaw nito kasabay ng hangin araw-araw.
Para sa akin, ito’y tahanan.

Pareho tayong nasanay – nagpatuloy tayo’t nilingon ang pampang at napagtantong nasa malayo na tayong parte ng karagatan.


Tinangay ako ng dagat at ikaw.
Bumitaw ka kalaunan.
Sabay tayong lumusong ngunit maaga ang iyong pag-ahon.


Tinangay ako ng dagat at ikaw.
Ngunit ngayon, alon na lamang ang bumibihag sa akin dahil siya ring magbibigay ng kahinahunan – isang bagay na ipagkakait mo lang.

One response to “Dagat – iniibig ko”

  1. Vicente Avatar

    πŸ₯ΊπŸ˜’

    Like

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started